Aetas namigay ng 10 toneladang kamote bilang pamasko

MANILA, Philippines — Umani ng papuri mula sa publiko at netizens ang mga katutubong Aeta nang maghandog ng pamaskong kamote sa mga residente ng Baseco, Port Area, sa Maynila habang nakasuot ng kanilang tradisyonal na pananamit na bahag, kahapon ng umaga.

Ang nasabing gift giving mission ay sa pagtutulu­ngan ng mga katutubong Aeta mula sa Capas, Tarlac, at Manila Police District (MPD) na nakapag-donate ng nasa 10,000 kilo ng kamote.

Sakay ng pick-up truck ang saku-sakong kamote na nakasilid sa mga plastic bags nang ibaba sa covered court ng Baseco na ipinamahagi sa mga nagsipilang mga residente.

Ikinatuwa ng netizens at mga nakasaksi sa gift giving na bukod sa mga bahag na kasuotan ang namahagi ng kamote, may kakaibang impact ito sa puso dahil sa mahihirap din na katutubo ang nakapag-isip na magpasaya sa kapwa mahihirap na kababayan para sa diwa ng Pasko.

Show comments