^

Metro

2,000 pamilya nanawagan ng tulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2,000 pamilya nanawagan ng tulong
Nagtayo ang pamahalaang lokal ng mga modular tent para pansamantalang tulugan ng daan-daang pamilyang nasunugan ng bahay sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.
Miguel de Guzman

13 katao sugatan sa sunog

MANILA, Philippines — Labingtatlo katao ang iniulat na nasugatan habang nasa 2,000 pamilya naman ang nawalan ng tahanan sa walong oras na sunog na tumupok sa mga barung-barong sa Martinez St., Brgy. Addition Hills sa lungsod ng Mandaluyong nitong Biyernes, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni Mandaluyong City Fire Marshal Supt. Christine Cula, wala namang nasawi sa insidente pero nasa 13 katao ang nagtamo ng bahagyang mga sugat sa insidente.

Nitong Sabado, nanawagan naman ng tulong ang mga pamilyang nasunugan partikular na ng mga damit at pagkain kung saan pansamantala ang mga itong nanunuluyan sa covered court sa kanilang lugar.

 Ayon sa mga ito, lubha silang nagdadalamhati dahil magpa-pasko na ay nawalan pa sila ng tahanan.

“Kapapanganak ko lang, caesarian ako, yung baby ko itong suot na damit lang niya meron siya, wala kaming nai­salba, humihingi kami ng tulong  sa mga kababayan nating may puso,” maluha-luhang pahayag ng isang ginang na nagpakilala  sa pangalang Azel Bon.

 Bandang alas-3:15 ng hapon nang magsimula ang sunog na itinaas sa Task Force Alpha matapos ang isang oras.

 Ang sunog ay nagsimula sa bahay ng isang Marie Biada na mabilis na kumalat at tumupok sa  mga kabahayan ng 2,000 pamilya sa nasabing slum areas sa lugar.

 Nagresponde naman ang mga bumbero at idineklarang under control ang sunog matapos ang pitong oras habang ganap itong naapula bago maghatinggabi dakong alas-11:44 ng gabi.

 Patuloy namang inaalam ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar at namahagi na rin ng relief goods si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa mga nasunugang pamilya.

CHRISTINE CULA

COVERED COURT

SUNOG

TULONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with