^

Metro

Maynila may ayuda sa pedicab drivers

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Maynila may ayuda sa pedicab drivers
Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, plano nilang ga-wing quarterly ang pagbibigay ng ‘MTPB’ sa mga pedicab boy upang makatulong kahit sa maliit na paraan.
Fr. Jason Dy/File

MANILA,Philippines — May panibagong sistema ng pagtulong ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga driver ng pedicab sa pamamagitan ng pagbibigay ng  ‘Mantika,Toyo, Patis at Bigas’ (MTPB).

Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, plano nilang ga-wing quarterly ang pagbibigay ng ‘MTPB’  sa mga pedicab boy upang makatulong kahit sa maliit na paraan.

Sinabi ni Viaje na iniipon nila ang mga ayuda na ibinibigay sa kanila kaya’t mabibigyan ang nasa 100 pedicab boys. Hindi kasama dito ang mga vendor.

Sa katunayan nasimulan na nila ang pamimigay ng ‘MTPB’ noong kaarawan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ginagawa nila ito upang ipakita na katulong nila ang city government at hindi kaaway.

Samantala, inihayag din ni Viaje na may libreng sakay araw-araw ng E-trike na biyaheng Tayuman-Pritil at Balut Tayuman ang Sector 1 mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga.

Ang libreng sakay ay proyekto ng Sector 1 sa pangunguna nina Viaje, dating MTPB Director Carter Logica, MTPB chief for Operations Crisanto Malicsi Sector 1 Commander Florentino Ruiz, Jr. Asst Commander Romy Carbungco at Team Leader Romer Lope.

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MTPB

PEDICAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with