MANILA,Philippines — Umabot na sa 45 drivers kasama ang ilang konduktor ang nagpositibo sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang random drug test na tinaguriang ‘Oplan Undaspot’, kamakalawa.
Ang sorpresang drug test ay layuning tiyaking ligtas sa aksidente ang mga biyahero o mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Undas.
Pinigil at hindi na pinayagang bumiyahe ang mga drivers at konduktor matapos magpositibo sa sorpresang mandatory drug test ng PDEA sa ilang bus terminals, pantalan at paliparan sa bansa.
Kabilang dito ang 24 bus drivers, 14 konduktor, 3-jeepney drivers, 2 van driver, 1 tricycle driver at 1 taxi driver.
“These drivers were not allowed to travel pending the confiscation of their licenses while undergoing rehabilitation process which include health awareness, and psychological and spiritual activities such as counseling, moral recovery, values formation, personal and life skills provided by the local government before reclaiming their licenses,” paliwanag ni PDEA Director General Aquino.
Isinagawa ang drug test sa 4,862 transport drivers upang maibsan ang bilang ng mga aksidenteng dulot ng mga driver na gumagamit ng ilegal na droga, lalo’t nagsimula na ang uwian sa kaniya-kaniyang probinsya para sa Undas.
“Project: “UNDASPOT” -- the fifth installment of PDEA’s OPLAN HARABAS, is a surprise mandatory drug testing to all bus drivers and the conduct of K9 sweeping in the major passenger terminals and ports all over the country aimed to ensure the safety of traveling passengers for the upcoming All Saints’ Day and All Souls’ Day celebration.” paliwanag ni Aquino.