^

Metro

Gender Fair City Ordinance nilabag ng mall - Mayor Joy

Pilipino Star Ngayon
Gender Fair City Ordinance  nilabag ng mall - Mayor Joy
Ani Belmonte, matindi ang paglabag sa batas na ginawa ng mall na bukod sa matinding diskriminasyon na ipinamalas kay Diez sa kamay ng janitress ay bigo ang mall na magtayo ng all-gender toilets para sa LGBT community.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol naman ni  Quezon City Mayor Joy Belmonte ang karapatan ng isang trans woman na gumamit ng female CR  sa Farmers Plaza mall sa Cubao.

Ayon kay Belmonte, malinaw na paglabag sa ipinaiiral na Gender Fair City Ordinance ang nangyari  kay Gretchen Diez.

Ani Belmonte, matindi ang paglabag sa batas na  ginawa ng mall na bukod sa matinding diskriminasyon na ipinamalas kay Diez  sa kamay ng janitress ay bigo ang mall na magtayo ng all-gender toilets  para sa  LGBT community.

Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte ang Business Permit and Licensing  Office (BPLO) na huwag bibigyan ng permit ang establisimiento kung may paglabag sa gender fair ordinance.

“Sa batas na ito, ipinagbabawal ng lungsod ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang-pantao ng lahat, lalung-lalo na ang LGBT,” sabi ni Belmonte.

GRETCHEN DIEZ

JOY BELMONTE

TRANS WOMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with