^

Metro

Tulong ng OSG, hihingin ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tulong ng OSG, hihingin ng LTFRB
Ayon sa LTFRB, susundin nila ang utos ng QC court pero hihingin nila ang tulong ng OSG para maikonsedera ng korte ang naging kautusan kaugnay ng bus ban.

Sa provincial bus ban

MANILA, Philippines — Hihingin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tulong ng Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa naging desisyon ng Quezon City Court na ipatigil ang implementasyon ng kontrobersiyal na provincial bus ban sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa LTFRB, susundin nila ang utos ng QC court pero hihingin nila ang tulong ng OSG para maikonsedera ng korte ang naging kautusan kaugnay ng bus ban.

Una nang inutos ng QC Court Branch 223 ang isang writ of preliminary injunction na nag-uutos na ihinto muna ang pagpapatupad sa provincial bus ban sa EDSA batay na rin sa naisampang petisyon ng mga operator ng bus sa korte hinggil dito.

Sinasabing nakita ng QC Court na walang basehan ang argumento ng LTFRB na ang provincial bus  ang sanhi ng matinding traffic sa EDSA.

Ayon sa provincial bus operators, 3 percent lamang ang mga bus na pumapasok sa Metro Manila  mula pro­binsiya kaya’t hindi sila ang ugat ng matinding traffic sa nabanggit na highway, bukod pa ang matinding hirap na  mararanasan ng mga pasahero mula sa mga probinsiya oras na hindi papasukin ang provincial bus sa kalakhang Maynila.

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PROVINCIAL BUS BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with