Manila fire: Ina, 2 anak patay

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng pamilya nang ma-suffocate sa loob ng kanilang bahay habang nasusunog ang isang apartment sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing sina Consuelo Baltazar, 45; mga anak na sina Samantha Chloe Ganitazo , 7; at Calvin Andrei Ganitazo, 4, pawang residente ng Unit A sa Dimasalang st., sa Sta.Cruz, Maynila.

Sa inisyal na ulat ni Senior Fire Officer 4, Victor Bag-It, Arson Unit  ng Manila Fire Department, dakong alas- 5:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa Dimasalang St., sakop ng Brgy. 372, District 3.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog na tuma­gal lamang ng mahigit dalawang oras bago naideklarang fire-out alas -7:45 ng umaga.

May kalumaan na ang nasabing gusali na yari sa mixed materials.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng napinsalang ari-arian.

Show comments