Kelot dinedo sa burol ng kaanak

MANILA, Philippines – Patay ang isang 31-anyos na lalaking nasa drug watchlist nang barilin ng r­iding in tandem habang nasa burol ng kaanak, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

 Isinugod pa ng ama sa Jose Reyes Memorial Medical center (JRMMC) ang biktimang si Joel Aquino, ng  Sampaloc, Maynila subalit idineklara ring dead on arrival.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa tandem na responsable sa pamamaril.

Sa ulat ni P/Master Sergeant Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section,  naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon  sa Quezon Boulevard, malapit sa panulukan ng Lerma st., Sampaloc.

Nagtungo sa burol ng kamag-anak ang biktima upang makiramay nang biglang may lumutang na riding in tandem at pinagbabaril siya.

Nang tumumba ay agad na tumakas ang mga suspek sa dirkesiyon ng northbound lane ng Quezon Blvd.  

Nabatid na nasa drug watchlist ng barangay ang biktima kaya’t inaalam kung may kaugnayan sa iligal na droga ang pamamaslang. Keanna Tiatco-trainee

Show comments