^

Metro

Relokasyon handang ibigay sa mga naapektuhan ng demolisyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handang isailalim ng Quezon City government sa programang pabahay at tulungan sa relokasyon ang may 30 pamilya na naapektuhan ng demolisyon sa may Victory Avenue, Brgy.  Tatalon Quezon City.

 Ito ang inihayag ni QC Secretary to the Mayor RJ Belmonte nang magtungo sa QC hall ang mga apektadong pamilya ng demolisyon para solosyunan ang kanilang problema.

 Sinasabing ang usa­pin ay isang internal issue  na hindi maaaring makialam ang lokal na pamahalaan at tanging ang korte lamang ang magdedesisyon sa  kung sino ang nagmamay -ari ng lupa.

 Nilinaw din ni Belmonte na walang kinalaman ang QC hall sa paggiba sa mga bahay sa nabanggit na lugar.

 Para makatulong ang QC government sa sitwasyon, nagpatawag si Belmonte ng isang pagpupulong sa pagitan nina  Rebecca Genato, nagsasabing may-ari ng lupa, Brgy. Tatalon Chairman Rodel Lobo, mga representatives  mula sa  Galas police station, Housing, Community Development & Resettlement Department (HCDRD), at ang mga apektadong pamilya ng demolisyon .

Sa nasabing konsultasyon, inamin ni Genato na personal siyang nanghingi ng tulong sa Galas Police. 

Nanindigan si Genato na trespassing ang ginawa ng mga pamilyang umukopa sa kanyang lupa kahit  may utos na ang korte  na lisanin ng mga ito ang lugar noon pang Agosto 30, 2016.

QUEZON CITY GOVERNMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with