Tondo fire: 50 pamilya nawalan ng tahanan
MANILA, Philippines — Nasa 50 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos lamunin ng nangangalit na apoy ang nasa 20 bahay sa naganap na sunog sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Sa ulat, itinaas lamang sa ikalawang alarma ang sunog sa panulukan ng Lakandula at Tagumpay Sts., Brgy. 39 na nagsimula ala-1:30 ng madaling araw at idineklarang fire-out alas-2:35 ng hapon.
Masisikip na daan ang dahilan kaya nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang lugar na nilalamon ng apoy habang nagtulung-tulong naman ang mga residente ng barangay na gamitin ang kanilang mga timba ng tubig para masawata ang pagkalat pa ng apoy.
Samantala, agad ding pinapuntahan ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare ang mga naapektuhang pamilya upang mabigyan ng ayuda tulad ng pagkain, kumot, banig at hygiene kits.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi habang inaalam pa ang sanhi ng apoy at kung magkano ang napinsalang ari-arian. (Trainee Keanna Tiatco)
- Latest