Biyahe ng MRT-3, tumirik: 60 pasahero, pinababa

MANILA, Philippines — Muling tumirik makaraang magkaroon ng mechanical failure ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na siyang dahilan para pababain ang sakay nitong 60 pasahero sa area ng Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr-MRT3), nabatid na dakong alas-8:07 ng umaga nang magbaba ng mga pasahero ang tren sa southbound ng Kamuning Station.

Sinabi ng DOTr-MRT3,  may kalumaang mechanical components ang dahilan ng aberya.

Kaagad namang nailipat ang mga pasahero sa kasunod na tren, pagkalipas ng apat na minuto.

Show comments