^

Metro

3 tiklo sa pot session

Ghio Ong - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki matapos silang maaktuhang bumabatak ng shabu ng mga otoridad sa loob ng Pasay City Cemetery nitong Sabado.

Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na sina Mark Anthony Benitez Paular, 26; Jerico Jumandos Lebrino, 30; at Romualdez Aquino Villaruel, 36.

Sa ulat ng Pasay City Police, nagpapatrulya ang mga pulis sa loob ng naturang sementeryo nang maispatan ang isang barung-barong kung saan nang sipatin ay dito naaktuhan ang tatlo na nagsasagawa ng kanilang pot session.

Agad na inaresto ng mga pulis ang tatlong suspek habang nakumpiska mula sa mga ito ang isang sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Nahaharap na nga­yon sa kasong paglabag  sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

 

POT SESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with