^

Metro

Marcos bridge isasara bukas

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Marcos bridge isasara bukas
Sa anunsiyo kahapon ni MMDA General Manager Jojo Garcia, simula alas-11:00 ng gabi ng nasabing petsa ay sarado na sa mga motorista ang Eastbound portion ng nabanggit na tulay.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Matapos na ilang beses na ipagpaliban, ngayong Sabado (Mayo 25) na isasara  sa mga motorista ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang East bound ng Marcos Bridge sa kahabaan ng Marcos Highway bunsod ng  rehabilitasyon dito.

Sa anunsiyo kahapon ni MMDA General Manager Jojo Garcia, simula alas-11:00 ng gabi ng nasabing petsa ay sarado na sa mga motorista ang Eastbound portion ng nabanggit na tulay.

“Pagkatapos ng dalawang linggong paghahanda, sigurado na ito. Sarado ang Marcos Bridge sa susunod na apat na buwan para sa rehabilitasyon nito,”  sabi ito ni Garcia sa press briefing kahapon sa tanggapan ng MMDA.

Ang mga Light vehicles na papuntang  Antipolo ay dadaan ng westbound direction at ang papunta namang Cubao ay maaaring gamitin ang service road ng harapan ng SM Marikina mall.  

Sa orihinal, dapat noong Mayo 4 ng taong kasalukuyan isinara ang naturang tulay ngunit ilang beses din itong pinagpaliban dahil sa isinagawang ocular inspection at hindi pa handa ang private contractor para sa rehabilitation project ng nabanggit na tulay.

Nabatid na  itinayo ang naturang tulay noong 1979,  boundary ng  Marikina at Pasig City. Average na dumadaan dito kada oras ay nasa  6,400 behikulo.

Maglalagay din ng road traffic advisories sa site ng naturang proyekto para ma­sabihan ang publiko lalo na ang mga motorista.

JOJO GARCIA

MARCOS BRIDGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with