Utang ng Maynila sa GSIS, bayad –Erap
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na bayad ang lahat ng bayarin at remittance premiums sa Government Security Insurance System (GSIS) na umabot sa P2 billion.
Nabayaran ang lahat ng utang ng city government dahil sa maayos at magandang financial management ni Estrada. Nabatid na may P200-M na umano’y nakuha ng GSIS mula sa city hall ay hindi pa nareresolba dahil walang maipakitang basehan ang GSIS sa nasabing utang.
Sakaling mapatunayan na may pagkakautang ang Maynila kaya naman nitong bayaran ng city government dahil may sapat na pondo ang lungsod.
Matatandaan na umaabot din sa P200 milyon ang utang na binayaran ng city government sa Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa 2007 liabilities.
Matatandaang 2013 nang malamang bangkarote ang Maynila at may utang na umaabot sa P5 bilyon. Kinailangan ni Estrada na bayaran ang utang sa Meralco na umaabot sa P630 milyon.
- Latest