^

Metro

Tondo fire: Magkapatid patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tondo fire: Magkapatid patay
Natagpuang magkayakap pa ang mga bangkay nina Ckrezhan Francine,15, at Hazel Lance Jagunos, 12, kapwa residente ng 1153 Soriano St., Tondo. Ang mga bangkay ng magkapatid ay kinilala mismo ng kanilang ina na si Gemma Jagunos, 36, vendor.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid matapos ma-trap sa loob ng nasunog na bahay, kahapon ng madaling araw sa Tondo,Maynila. 

Natagpuang magkayakap pa ang mga  bangkay nina Ckrezhan Francine,15, at Hazel Lance Jagunos, 12, kapwa residente ng 1153 Soriano St., Tondo.  Ang mga bangkay ng magkapatid ay kinilala mismo ng kanilang ina na si Gemma Jagunos, 36, vendor. 

Ayon sa Manila Police District -Police Station 2 (MPD-PS-2), dakong alas -3:30 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa tinutuluyang tahanan ng mga biktima, na sakop ng Brgy. 35, Zone 3, sa Tondo. 

Nabatid na umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong alas-4:16 ng madaling araw, at tuluyang idineklarang fire-out dakong alas-4:37 ng madaling araw. 

Matapos ng sunog ay nakita ang magkapatid sa loob ng kanilang silid na  magkayakap pa  na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.  

Nabatid kay Fire Insp. Jose Troy Juaneza, substation commander ng Tondo Fire Station, posibleng na-suffocate sa usok ang mga biktima kaya  hindi na nakalabas ng kanilang silid, dahil may apoy na rin  sa labas ng pinto ng bahay.  Natutulog umano ang mga biktima nang iwanan ng kanilang ina upang mamalengke pero pagbalik ay malaki na ang apoy. 

Lumilitaw sa imbestigasyon na  naiwan ng  ginang ang nilulutong kanin at nagtungo ito sa palengke.  Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng Arson sa tunay na dahilan ng sunog. 

May anim pang bahay ang na­damay sa sunog at  tinatayang nasa 12 pamilya ang nawalan ng tirahan.

vuukle comment

TONDO MANILA FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with