^

Metro

Ex–branch manager ng banko, kalaboso sa kasong P2-M qualified theft

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga elemento ng Eastern Police District (EPD) ang isang dating Branch Manager  ng isang banko sa Pasig City kaug-nay sa kasong P2 milyong qualified theft,  may ilang taon na ang nakalilipas, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni P/ Lt. Col. Hermogenes Cabe, Officer in Charge ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng EPD ang nasakoteng suspect ay kinilala si Andrew Pano, alyas Drew, 45, residente ng Golden Mile Subdivision, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang masakote ang suspect matapos matunton ang pinagtataguan nito sa kaniyang bagong tahanan sa Cainta.

Ayon sa opisyal, si Pano ay dating Branch Manager ng isang sikat na banko ay inaresto sa kasong qualified theft base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Rowena de Juan-Quinagoran ng Regional Trial Court Branch 166 ng Pasig City noong Nobyembre 15, 2016.

Samantalang wala namang inirekomendang piyansa ang korte  para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing suspect.

Ang nasabing halaga ay bilang insurance placement sa RCBC.  

vuukle comment

QUALIFIED THEFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with