10 akusado sa Manor Hotel fire, 30 yrs kulong

Sa 121 pahinang desisyon ng korte, hinatulang mabilanggo ng 8-30 taon sina Alfredo Macapugay, City Engineer/City Building official nang maganap ang sunog at Romeo Montallana, acting chief ng Electrical Division o tig-6 hanggang 10 taong pagkakakulong sa bawat isa sa tatlong kaso ng graft.

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan Seventh Division na   mabilanggo ang dalawang dating opisyal ng Quezon City at walong iba pa na mga akusado sa pagkasunog ng Manor Hotel sa Quezon City noong 2001 kung saan 74 katao ang nasawi.

Sa 121 pahinang desisyon ng korte, hinatulang mabilanggo ng 8-30 taon sina Alfredo Macapugay, City Engineer/City Building official nang maganap ang sunog at Romeo Montallana, acting chief ng Electrical Division o tig-6 hanggang 10 taong pagkakakulong  sa bawat isa sa tatlong kaso ng graft.

Habang guilty naman sa dalawang kaso at hinatulang makulong ng 12-20 taon sina William Genato, Rebecca Genato, Marion Fernandez, at Dionisio Arengino, mga incorporator ng Manor Hotel Inc., Candelaria Aranador, hotel manager, at Romualdo Santos, empleyado ng City Engineer’s Office.

Tig-isang kaso namang guilty sina Gerardo Villasenor at Rodel Mesa, ng Electrical Division.

Pinagbawalan namang pumasok sa gobyerno at pagkakansela ng kanilang retirement benefits bilang dagdag na parusa sina Macapugay, Montallana, Santos, Mesa, at Vil­la­senor.

Ipinag-utos naman ng anti-graft court ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa nagtagong si Antonio Beltran.

Sa inihaing reklamo ng prosekusyon, nagsabwatan umano ang mga akusado para mabigyan ng permit ang Manor Hotel kahit hindi ito sumunod sa National building code at Fire Code of the Philippines.

Show comments