Socialized Housing Project sa Maynila, sisimulan ni Erap

MANILA, Philippines — Upang matugunan ang problema sa pabahay, sisimulan na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang programa sa socialized housing sa lungsod kung saan mabibiyayaan ang libu- libong mahihirap na residente dito.

Ginawa ni Estrada ang pahayag sa gina­nap na  Housing Summit na dinaluhan ng National Housing Autho­rity (NHA), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC),  Department of Interior and Local Government (DILG), Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), Metro Manila Development Authority (MMDA), at mga member-agencies  na kabilang sa Local Inter-Agency Committee (LIAC-Manila).

Ayon kay Estrada, tututukan niya ang problema sa pabahay dahil nais niyang mabigyan ng disenteng bahay ang mga taga-Maynila.

Ang summit na “Maralitang Taga Lungsod, Alaga sa Maynila,” ay dinaluhan ng 300 kinatawan at lider ng mahigit 300 homeowners association at urban poor organizations  mula sa anim na distrito.

Binigyan diin naman ni Atty. Danilo C. Isiderio, Urban Settlements Officer,  na naglaan na  ng pondo ang city government sa 16 lupain na may sukat na 93,000 sqm. para sa 991 beneficiaries.

Show comments