7 Chinese kalaboso sa pagdukot sa kapwa Chinese
MANILA, Philippines — Kalaboso ng National Bureau of Investigation ang pitong Chinese makaraang ituro na sangkot sa pagdukot sa kanilang kababayan noong linggo ng hapon sa isang condominium sa Pasay City.
Iprinisinta ni Vicente de Guzman, deputy director for investigation service ang mga mamahayag ang mga suspek na sina Liu Shenshui, Deng Shuijin, Xiong Jinxiang, Xiong Jonpeng , Xiong Jilong, Luo Gen Jin, at Chen Yiguo,pawang Chinese na kadarating lamang umano sa bansa.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa Pasay City Prosecutors Office.
Inaresto ang mga suspek matapos na magreklamo si Jian Shi Lun, kapatid ng biktimang si Jian Shi Xin na dinukot ng mga suspek sa isang hotel-casino sa Parañaque City at dinala sa hindi niya alam na condominium at doon idinetine at sinaktan ng mga suspek.
Pinayagan umano ng mga suspek ang biktima na makatawag sa kanyang kapatid para ipaalam ang kanyang sinapit na pinuwersa ito na magbayad ng P200,000.
Nag-ugat umano ang pagkidnap sa biktima matapos na umuwi sa China ang kanyang kaibigan na nangutang sa mga suspek na umano’y nagpi-finance sa casino.
Hindi umano nakabayad ang kaibigan ng biktima sa mga suspek kaya siya ang kinuha para ma-pressure ang kaibigan nito na magbayad ng kanyang inutang sa mga suspek.
- Latest