Trader na isinasangkot sa P6.4 bilyon puslit na shabu, tiklo ng NBI
MANILA, Philippines — Dinakip kahapon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante na isinasangkot sa nakalusot na P6.4 bilyon shabu sa Bureau of Customs noong Mayo 2017.
Kinumpirma ni NBI Anti-Drug Division head Joel Tuvera na nasa kus-todiya na nila si Dong Yi Shen, alyas Kenneth Dong.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Tuvera kung saan o paano nangyari ang pag-aresto.
Nakatakdang iprisinta si Dong bukas sa isang press conference.
Sinasabing si Dong ang middleman sa pagkakapuslit ng higit P6 bilyong pisong halaga ng shabu sa Valenzuela City noong 2017.
Pinabulaanan naman ng negosyante ang paratang.
- Latest