MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Albayalde ang isang commander ng Manila Police District (MPD) na inireklamo ng tatlong pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na pinalo nito ng manipis na bakal sa mga daliri dahilan sa hindi umano pagsunod sa kautusan sa kasagsagan ng Traslacion ng Itim Na Nazareno.
Kinilala ni Albayalde ang inireklamong opisyal na si Chief Inspector Alden Panganiban, Deputy Commander ng Gandara Police Precinct ng MPD na nakabase sa Binondo sa lung-sod ng Manila.
“That is being investigated, ‘yung sinasabi nila because initially ang sabi meron siyang inutos na dapat nandun sila during the Traslacion at hindi yata sumunod,” anang opisyal na sinabing napikon si Pa-nganiban sa pagsuway ng 3 NCRPO cops sa kaniyang kautusan.
“We have to check on that kung ano talaga ang ginawa because nung nagpa-medical sila, meron silang pasa sa mga daliri nila,” ani Albayalde.
Sa pahayag ng nasa-bing mga pulis, dinala sila ni Panganiban sa Escolta Street, Binondo saka pinalo ng manipis na bakal sa daliri.
Nabatid na maging ang iba pang pulis na kasamahan ng mga biktima sa NCRPO ay magsasampa rin ng kaso laban kay Panganiban.
Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na maging ang mga sinaktang pulis ay isasalang rin sa imbestigasyon sa kasong insu-bordination o pagsuway sa isang legal na order.