MANILA, Philippines — Illegal at hindi na balidong gamitin ng mga mambaba- tas ang kanilang car plates na may ending ‘8’.
Ito ang sinabi ni LTO Law Enforcement Service Director Francis Almora dahil hindi pa nag-iisyu ang LTO ng en-ding plate ngayong 2018 para sa mga kongresista. Taong 2016 pa ang huling release ng ahensiya ng naturang protocol plates na laan lamang gamitin ng mga kongresista ng 16th congress.
“Wala pong na-issue na plates for 17th Congress, 2013 to 2016 po yung tenure ng 16th Congress, so 2018 na po ngayon so meaning to say tapos na po ‘yung te-nure nung congressmen na member po ng 16th Congress,” dagdag ni Almora.Anya, matapos ang termino ng mga mambabatas ng 16th Congress ay kailangan ng mga itong isoli sa secretary general ng Congress ang ending 8 plates at ito naman ay isosoli nito sa LTO.
Sinabi ni Almora na inabisuhan na ng pamunuan ng Kamara ang mga mambabatas ng 16th Congress na isolo ang plaka sa Secretary Ge-neral ng Kongreso pero hindi pa rin ang mga ito nagsosoli sa naturang plaka.
Naging kontrobersiya ang pagkakaroon ng ending 8 na car plates ng mga sasakyan na nakaisyu sa mga mambabatas nang ang isang kotse na may plakang ‘8’ ang nasangkot sa isang mainit na komprontas-yon sa lansangan kamakailan.