^

Metro

Mag-asawang LRA examiner, inambus: Mister utas, misis kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang LRA examiner, inambus: Mister utas, misis kritikal
Nakilala ang nasawi na si Emiliano Matias Denilla, 57, Registry of Deeds-Title Examiner ng LRA Valenzuela City habang nilalapatan ng lunas sa Meycauayan Doctor’s Hospital ang misis niyang si Teresita, 58, isa ring Registry of Deeds Title Examiner sa Meycauayan, Bulacan.
File Photo

MANILA, Philippines — Utas ang isang tauhan ng Land Registration Authority (LRA) habang kritikal ang kanyang misis nang tambangan ng dalawang salarin na sakay ng motorsiklo habang lulan  ng kanilang sasakyan, kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Emiliano Matias Denilla, 57, Registry of Deeds-Title Examiner ng LRA Valenzuela City habang nilalapatan ng lunas sa Meycauayan Doctor’s Hospital ang misis niyang si Teresita, 58, isa ring Registry of Deeds Title Examiner sa Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa labas ng gate ng bahay ng mag-asa-wa sa may Hulo Street, sa Brgy. Bignay, ng nabanggit na lungsod.

Sakay ang mag-asawang Denilla ng kanilang itim na Isuzu Sportivo at kalalabas lamang sa gate nang dumating ang dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang dalawa saka mabilis na tumakas tungo sa direksyon ng Deparo, Caloocan.

Mabilis na isinugod  ang dalawa sa Meycauayan Doctor’s Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay si Emiliano dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan dakong alas-8:58 ng umaga.

Isinailalim naman sa operasyon ang kanyang misis na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid ang motibo sa pamamaslang. Pangunahing inaalam kung may kinalaman sa kanilang trabaho bilang mga title examiners ang krimen.

vuukle comment

LAND REGISTRATION AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with