^

Metro

3 most wanted, tiklo

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
3 most wanted, tiklo
Sa report na natanggap ni Sr. Supt. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), alas-11:30 ng umaga nang madakip ang ‘top 2 most wanted’ na si Rufino Esik Jr., 42, binata, ng Block 38, Lot 14, Brgy. 145, Zone 16, Santo Niño, Pasay City sa panulukan ng Roxas Boulevard at Benito Hernandez St., ng naturang lungsod ng mga kagawad ng Pasay City Police.
File Photo

MANILA, Philippines — Tatlong kabilang sa ‘top ten most wanted criminal’ na may kasong pagpatay, robbery at rape ang nadakip sa magkakahiwalay na ope­rasyon sa Pasay at Makati City kamakalawa.

Sa report na natanggap ni Sr. Supt. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), alas-11:30 ng umaga nang madakip ang ‘top 2 most wanted’ na si Rufino Esik Jr., 42, binata, ng Block 38, Lot 14, Brgy. 145, Zone 16, Santo Niño, Pasay City  sa panulukan ng Roxas Boulevard at Benito Hernandez St., ng naturang lungsod ng  mga kagawad  ng Pasay City Police.

Dinakip ito  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 115 Judge Francisco G. Mendiola dahil sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa  para dito.

Alas-11:30 ng umaga nang madakip naman ng mga tauhan ni Sr. Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police ang ‘number 7 most wanted’  na si Michael Dinopol, 27 dahil sa kasong robbery sa tinitirhan nito sa Manahan St. ng natu-rang lungsod sa isinagawang ‘Oplan Galugad’.

Sa bisa naman ng warrant of arrest na inisyu ni Makati City RTC, Branch 136 Judge Rico Sebastian D. Liwanag, alas-11:30 ng umaga nang maaresto ng operatiba ng Makati City Police ang ‘number 4 most wanted criminal’ na si Jeriel Bersaba, 22, isang estudyante, ng #261-B Ilang-Ilang St., Brgy. Cembo ng lungsod na nabanggit dahil sa kasong rape.

Hindi denitalye sa report kung sino ang naging biktima nito at walang inerekomendang piyansa laban dito.

MOST WANTED CRIMINAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with