12 ‘pusher’ dakma sa drug ops
MANILA, Philippines — Dakma ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang 12 katao kabilang ang apat na kababaihan na sinasabing ‘di tumitigil sa garapalang pagbebenta ng droga habang nasa P200,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang anti-drug at anti crime operation sa lungsod kahapon ng madaling araw.
Humihimas na sa bakal na rehas ang mga nadakip na suspek na sina Imelda Vergara, 39, Jonalyn Malijana, 39 , Marissa Tamayo, 38, Perla Emperado, 51, Christopher Mallari, 43, Joshua Malijana,19, Marlon Morales, 30, Roger Bulaong, 51, Apolinario Cleofas, 23, Arjay Centeno, 27, Roderic Caliva, 38 at Edgardo Sabellero, 49.
Ayon kay P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr, director ng QCPD, ang mga suspek ay naaresto ng kanyang mga tauhan sa QPCD station 1, 2, 5 at station 7 dakong alas-12:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa magkakasunod na buy-bust operation.
Nabawi mula sa mga suspek ang nasa 100 plastic sachet na naglalaman ng droga na nagkakahalaga ng P200,000 at ibat-ibang drug paraphernalia.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
- Latest