MANILA, Philippines — Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na makulong ang dalawang employer dahil sa hindi pagre-remit ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado.
Sa hatol na ibinaba ng QC RTC Branch 100 sa akusadong si Luz Espiritu ng Espiritu Petron Service Station, sampung taong pagkakulong ang inihatol dito at pinagbabayad din ito ng unremitted contributions mula October 1989 hanggang November 2014 na may halagang P289,372.16 na may dagdag na 3 percent penalty hanggang mabayaran ng buo.
Pitong taong pagkakulong naman ang inihatol ng QC RTC Branch 96 laban kay Rosita Agustin ng Ruther Fish Dealer at pinagbabayad ng delinquent contributions mula May 2000 hanggang August 2011 na may kabuuang halagang P140,880,000 at multa na P10,000 na may dagdag na 3 percent na penalty hanggang sa mabayaran ang kabuuang halaga.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na dahil dito ay makakakolekta ang ahensiya ng mahigit P1.39 milyong halaga ng unpaid contributions at penalty.
Kaugnay nito, nagpaalala si Dooc sa mga employers na agad e -remit sa SSS ang nakolektang kontribusyon mula sa mga tauhan upang hindi maparusahan ng batas.
Sa kasalukuyan, nagpalabas na ang Quezon City RTC Branch 100 ng Warrant of Arrest laban kay Espiritu, habang si Agustin ay binigyan ng QC RTC branch 96 ng provisional liberty habang ito ay may pending appeal sa korte.