MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa blogger na si Drew Olivar dahil sa kanyang bomb joke sa internet
Ayon sa DOJ, inabisuhan nila ang NCRPO na ire-file na lamang ang kaso kung kum-pleto na ang mga dokumento.
Sinabi ng DOJ na na hinahanap nila sa dokumento ang ginamit na IP address sa post ni Olivar sa kanyang Facebook post.
Nabatid naman kay Senior Inspector Myrna Diploma, NCRPO Public Information Office, kailangan nilang makipag-coordinate sa Anti-Cybercrime Unit para makumpleto ang ebidensya sa pagsampa at pag-refer ng kaso ni Olivar sa DOJ.
Kilala si Olivar, bilang co- host ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa online show.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Olivar na posibleng muling mangyari ngayon ang Plaza Miranda bombing noong 1971 might happen again. Sa raling isinagawa noong Sept. 21.
“Ay nakakatakot naman mag-rally sa EDSA, kasi may kumakalat na baka maulit daw yung pagbomba kagaya ng Plaza Miranda! Kung ako sa inyo, hindi na ako pupunta,” nakasaad sa kanyang post sa FB.