^

Metro

Kaso vs blogger na si Olivar, tinanggihan ng DOJ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kaso vs blogger na si Olivar, tinanggihan ng DOJ

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa  ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa blogger  na si Drew Olivar dahil sa kanyang bomb joke sa internet

Ayon sa DOJ, inabisuhan nila ang NCRPO na ire-file na lamang ang kaso kung kum-pleto na ang mga dokumento.

Sinabi ng DOJ na na hinahanap nila sa dokumento ang ginamit na IP address  sa post ni Olivar sa kanyang  Facebook post.

Nabatid naman  kay Se­­nior Inspector Myrna Di­ploma, NCRPO Public Infor­mation Office, kailangan nilang makipag-coordinate sa Anti-Cybercrime Unit para makumpleto ang ebidensya sa pagsampa at pag-refer ng kaso ni Olivar sa DOJ.

Kilala si Olivar, bilang co- host ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa  online show.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Olivar na po­sibleng muling mangyari ngayon ang Plaza Miranda bombing noong 1971 might happen again. Sa raling isinagawa noong Sept. 21.

“Ay nakakatakot naman mag-rally sa EDSA, kasi may kumakalat na baka maulit daw yung pagbomba kagaya ng Plaza Miranda! Kung ako sa inyo, hindi na ako pupun­ta,” nakasaad sa kanyang post sa FB.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DREW OLIVAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with