5 doktor sa PCMC tinamaan ng dengue: 1 nasawi
MANILA, Philippines — Isang doktor sa Philippine Children Medical Center (PCMC) sa Quezon City ang iniulat na nasawi dahil sa ‘severe dengue’ habang apat pa ring physicians sa ospital ang sinasabing tinamaan din ng mosquito-borne disease.
Base sa PCMC’s statement na pirmado ng executive director ng pagamutan na si Dr. Julius Lecciones na isa nilang doktor ang nasawi sa severe dengue noong nakalipas na Setyembre 19.
Kalakip na inihayag nito na nito lamang buwan ng Setyembre lima sa kanilang doktor ang nagkasakit dahil sa dengue, at isa nga ang hindi nakaligtas habang ang apat ay tuluyang nakarekober.
Wala kahit isa sa limang doktor ang naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Binanggit pa nito na naobserbahan din ang pagtaas ng dengue cases sa ospital simula pa noong Mayo.
Sa isinagawa namang phone interview kay Health Secretary Francisco Dugue III sinabi nitong hindi katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng outbreak ng dengue sa isang ospital.
Hinihintay pa umanong niya ang report ni Lecciones at dapat nilang alamin kung bakit ito nangyari. Sakali umanong kuwestiyonable ang report ay ipag-uutos niya ang pagsasagawa ng independent body ng imbestigasyon.
- Latest