Automated System sa frontline services

Ito ay makaraang aprubahan ng Quezon City Council ang iniakdang resolution 7527-2018 ni Councilor Julienne Alyson Rae Medalla na humihiling na magkaroon ng automated at integrated system sa pagbibigay serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga taga-lungsod para sa mas mabilis na public transactions at maalis ang red tape.

MANILA, Philippines — Ipatutupad na ang automated system sa Quezon City upang higit na mapabilis ang pagkakaloob ng serbisyo sa publiko.

Ito ay makaraang aprubahan ng  Quezon City Council ang iniakdang resolution 7527-2018 ni Councilor Julienne Alyson Rae Medalla na humihiling na magkaroon ng  automated at integrated system  sa pagbibigay serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga taga-lungsod para sa mas mabilis na public transactions at maalis ang red tape.

“It is essential for the city to harmonize and streamline the database of frontline service departments and offices and simplify transaction processes,” nakasaad sa resolusyon.

Sa pagkakaroon ng isang  automated at integrated platform ay naisasagawa rito ang  capturing, recording information, do­cuments; magkakaroon ng isang controlled data access at sharing system; tracing ng mga request status; automated approval ng mga  requests/benefits determination at change-tracking ng client circumstances.

Show comments