^

Metro

3 pulis , 1 pa huli sa pangongotong sa junkshop owners

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 pulis , 1 pa huli sa pangongotong sa junkshop owners
Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Sr. Supt. David Poklay ang mga inaresto na sina SPO4 Serafin Andante, PO1 Ryan Paul Antimaro, PO1 Rey Harvey Florano, pawang nakatalaga sa Police Community Precinct 8 at sibilyan na si Amado Baldon, Jr.

MANILA, Philippines — Nagtapos  ang iligal na operasyon ng tatlong pulis makaraang malambat ng kanilang mga kabaro sa isang entrapment operation sa pango­ngotong sa mga may-ari ng junkshop sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Sr. Supt. David Poklay ang mga inaresto na sina SPO4 Serafin Andante, PO1 Ryan Paul Antimaro, PO1 Rey Harvey Florano, pawang nakatalaga sa Police Community Precinct 8 at sibilyan na si Amado Baldon, Jr.

Sa ulat ng pulisya, unang humingi ng tulong ang mga junkshop owners na may mga puwesto sa Mindanao Avenue, Brgy. Ugong sa PNP Counter-Intelligence Task Force ukol sa paghingi umano ng ‘tong’ ng mga pulis  na nagkakahalaga ng mula P200-P500 kada linggo.

Nakipagkoordinasyon ang PNP-CITF sa Valenzuela City Police at nagkasa ng entrapment operation. Arestado ang tatlong pulis at isang sibilyan na mga suspek dakong alas-9:15 ng gabi nang tanggapin ang marked money buhat sa isang may-ari ng junkshop.

Dahil dito, dagliang ipinag-utos ni Poklay ang pagsibak sa puwesto kay PCP-8 commander, P/Insp. Adones Escamillan dahil sa ‘command responsibility’.

Plano rin ni Poklay na ilagay sa “relieve in place” ang buong puwersa ng PCP-8 na aabot sa 20 pulis at palitan ng mga tauhan buhat sa ibang istasyon. Magpapatrulya pa rin umano ang mga natanggal na mga pulis ngunit masusi silang imo-monitor.

Sinabi pa ng hepe na may posibilidad na tinatakot ng mga pulis ang junkshop ow­ners ukol sa pagbili sa mga nakaw na mga kable at bakal buhat sa mga pabrika at bodega sa naturang lugar.

Itinanggi naman ng mga pulis ang akusasyon laban sa kanila ngunit iginiit ni Poklay na matibay ang ebidensya ng pagtanggap nila ng ‘marked money’ at ang kuha ng ‘closed circuit television camera (CCTV)’ sa kanilang iligal na gawain.

Nahaharap ngayon ang mga suspek na pulis sa kasong robbery extortion sa Valenzuela City Prosecutor’s Office at kasong administratibo.

vuukle comment

DAVID POKLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with