Presyo ng petrolyo umalagwa

Ang oil price hike ay pina­ngunahan ng PTT Philippines, Petron Corporation, na tumaas ng P1.15 kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P0.85 naman sa kada litro sa kerosene na epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.

MANILA, Philippines — Nagpatupad muli ng taas presyo ang mga oil companies ngayong araw ng Martes (Hulyo 31).

Ang oil price hike ay pina­ngunahan ng PTT Philippines, Petron Corporation, na tumaas ng P1.15 kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P0.85 naman sa kada litro sa kerosene na epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.

Asahang maglalabas na rin ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis, tulad ng Pilipinas Shell, Seaoil, Eas­tern Petroleum, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, at Total sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa pa­­tuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Show comments