Presyo ng petrolyo umalagwa
MANILA, Philippines — Nagpatupad muli ng taas presyo ang mga oil companies ngayong araw ng Martes (Hulyo 31).
Ang oil price hike ay pinangunahan ng PTT Philippines, Petron Corporation, na tumaas ng P1.15 kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P0.85 naman sa kada litro sa kerosene na epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.
Asahang maglalabas na rin ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis, tulad ng Pilipinas Shell, Seaoil, Eastern Petroleum, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, at Total sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
- Latest