^

Metro

Checkpoint tinakasan: 1 bulagta

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Checkpoint tinakasan:  1 bulagta
Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang suspect na tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, katamtaman ang pangangatawan.

MANILA, Philippines — Isang lalaki na miyembro ng motorcycle riding-in-tandem criminals ang nasawi matapos makipagbarilan  sa mga pulis sa ikinasang ‘Oplan Sita’, kahapon ng ma­daling araw sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril  ang suspect na tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos,  katamtaman ang pangangatawan.

Habang mabilis namang nakatakas ang kasama nito na siyang nagmamaneho ng motorsiklong walang plaka.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Senior Supt. Noel Flores, naganap ang insidente alas-3:50 ng madaling araw sa  panulukan ng Merville Access Road  at N.H.A Housing, Brgy. 201, Zone 20 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ o checkpoint ang mga tauhan ng Kalayaan Police Community Precinct (PCP) ng Pasay City Police sa nasabing lugar nang sitahin nila ang dalawang suspect na magkaangkas  at sa halip na huminto ang mga ito ay pinaharurot pa ng mga ito ang kanilang motorsiklo.

Dito na hinabol ng mga pulis  ang mga suspect hanggang sa nagpaputok ang mga ito ng baril.

Gumanti naman ang mga pulis at makalipas ang tatlong minutong palitan ng putok,  duguang bumulagta ang suspect habang nakatakas naman ang kasama nitong lulan ng nasabing motorsiklo.

OPLAN SITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with