Rollback uli sa petrolyo

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng oil  price rollback ang mga oil companies ngayong Araw ng Kalayaan (Hunyo 12).

Ang bawas presyo ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at PTT Philippines, na bumaba ng P0.55 kada litro ng gasolina, P0.60 kada litro sa kerosene at P0.60 din kada litro sa diesel na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Sumunod din sa pag-anunsyo ang kompanyang Total Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, Eastern Petroleum at Flying V na epektibo ng alas -12:01 ng  madaling araw na kahalintulad din na halaga.

Inaasahan naman na susunod maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa kahalintulad na halaga.

Huling nagpatupad ng oil price  rollback ang mga kompanya ng langis  noong Hunyo 3 ng taong kasaluku­yan.

Show comments