Pekeng pulis timbog sa pakikialam sa police operations
MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang isang lalaki na nagpakilalang tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detective Management Group (CIDG) nang makialam ito sa trabaho ng mga tunay na pulis sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Nahaharap ngayon sa kasong usurpation of authority ang suspek na nakila-lang si Chuckie Tinapay, 31, security guard, ng La Conception, Antipolo City.
Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:30 ng hapon nang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 sa pangunguna ni PO3 Arvin Pingul sa nagaganap na kaguluhan sa may North Olympus, Zabarte Road matapos ang sumbong ni Charlo Lorente na umano’y hinaharas ng ilang lalaki ukol sa pagmamay-ari sa isang piraso ng lupa.
Pagdating ng mga pulis, dito rin dumating si Tinapay na nakasuot sibilyan at nagpakilala sa mga pulis na mi-yembro ng PNP-CIDG. Hini-ngian naman nina Pingul ng PNP ID si Tinapay na naglabas ng isang CIDG Agent ID. Nang isailalim sa pagsusuri, lumabas na peke ang ID na ibinigay dahilan para arestuhin siya ng mga totoong pulis dahil sa pagpapanggap.
Unang dinala sa PCP 6 station si Tinapay bago inilipat sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch. Sa koordinasyon sa Northern CIDG team, nakumpirma na hindi kabilang si Tinapay sa kanilang listahan ng mga ahente.
- Latest