Problema sa droga tutukan
Erap sa mga bagong halal na brgy., SK officials
MANILA, Philippines — Kailangan na tutukan ng mga bagong halal na barangay at Sangguniang Kabataan officials ang problema sa droga sa lungsod ng Maynila.
Ito ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Estrada matapos ang kanyang pagboto kahapon sa P. Burgos Elementary School sa Sta. Mesa Maynila.
Ayon kay Estrada, target niyang maging drug free ang Maynila bago matapos ang 2021.
Aniya may isa pa siyang termino upang kumandidato bilang alkalde ng lungsod.
Paliwanag ni Estrada ang mga barangay chairman at iba pang opisyal ang nakakakilala sa kani-kanilang mga constituents kaya’t alam ng mga ito kung sino ang mga sangkot sa droga.
Ngayon aniyang naghalalan ng barangay level, mas makabubuting tutukan ng mga bagong halal na barangay officials ang droga na malaking problema na sinusugpo ngayon ng administrasyong Duterte.
Hindi rin naman siya magdadalawang isip na kasuhan ang mga opisyal na magpapabaya at magkukunsinti sa mga sangkot sa droga.
- Latest