^

Metro

Sekyu utas sa kabaro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang guwardiya makaraang barilin ng kapwa guwardiya matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa kanilang suweldo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala ng twelve gauge shot gun sa kaliwang dibdib at taga sa mismong pulso sa kaliwang kamay ay kinilalang si Manuel Trilles Valencia, 56-anyos,  security guard ng Jericko Security Agency at residente ng  No.131, Unit 1-B North Hills Ville, Norzagaray, Bulacan.

Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Perfecto Zamora David, 54-anyos, security guard din ng nasabing agency at naninirahan sa Villa Beatriz Subd., Brgy. Old Balara, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Marvin Masankay, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi  sa bakanteng lote sa Sta. Elena Property na mata­tagpuan sa Milan St., Capitol Park Homes, Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ni Joel Caceras, kasamahang guwardiya ng biktima at suspek, masaya umano silang nag-iinuman subalit nagkainitan sina Valencia at Zamora, matapos na magtalo sa kanilang suweldo.

Galit umanong umalis si David subalit pagbalik nito ay walang sabi-sabing pinaputukan ng shot gun ang biktima.

Bagamat duguan nang nakabulagta si Valencia ay hindi pa umano nakuntento ang suspek at dinampot pa nito ang patalim saka tinaga ang pulso sa kaliwang kamay ng biktima, bago tumakas.

DEAD-ON-THE-SPOT

SHOT GUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with