^

Metro

P39 kada kilong bigas, ibinibenta na sa NCR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula kahapon, nakaka­bili na ng mas murang bigas ang mga taga-National Capital Region (NCR) na may halagang P39 kada kilo.

Ang pagbebenta ng murang bigas ng mga rice traders ay  resulta ng gina­wang pakikipag-usap kamakailan ni Pangulong Rodrigo Du­terte sa lahat ng rice traders, millers at  retailers sa bansa na matulungan ang pamahalaan na makabenta ng mas murang commercial rice para sa mamamayan habang hinihintay ang replenishment ng buffer stock ng bigas ng National Food Authority (NFA).

Kahapon, may 10 trailer trucks ang nai-deliver ng mga rice traders ng Nueva Ecija sa NFA Visayas Warehouse para ipamahagi sa mga accredited retailers.

Ang may 5 hanggang 8 iba pang trucks ay idi-deliver sa mga designated market destinations sa NCR.

Una nang naibebenta  ang murang commercial rice sa  Baclaran at mga palengke sa Quezon City partikular sa  Commonwealth, Litex, Sila-ngan at Payatas gayundin  sa Tondo Talipapa.

Ang iba pang palengke  sa NCR ay magbebenta ng murang commercial rice simula sa  April 18.

Ang bawat service outlets ay may tarpaulin streamer na “Tulong sa Bayan” at nakasaad dito ang halaga at uri ng ibenebentang bigas.

Ang hakbang na ito ay joint project ng Office of the President, Confederation of Grains Retailers Association of the Philippines, Inc. (GRECON), Philippine Confederation of Grains Associations (Philcongrains) at  NFA.

Sa ngayon, ang NFA ay nagsasapinal na sa Terms of Reference (TOR) para sa agarang pag-angat ng 250,000 metric tons ng bigas na naaprubahan ni Pa­ngulong Duterte upang makapagbenta ulit ang NFA ng murang bigas na P27 at P32 kada kilo sa ibat ibang pamilihan sa bansa.

BIGAS

NATIONAL FOOD AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with