MANILA, Philippines — Bunsod ng labis ng katandaan at araw-araw na bumibiyahe kaya isasailalim sa masusing pagkukumpuni o rehabilitasyon ang 24 na bagon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).
Ayon sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), simula Hulyo ay aayusin at kukumpunihin ang halos 2 dekada na ang tanda ng mga tren.
Sinabi ng LRMC, gagastusan nila ng P450 milyon sa pagkukumpuni sa generation-2 Light Rail Vehicles (LRVs) na binili ng gobyerno.
Paliwanag ng LRMC, hindi naman maaapektuhan ng rehabilitasyon ang biyahe ng LRT-1 dahil tatakbo pa rin ang 95 na generation 1 at 3 trains.
Nabatid mula kay Rochelle Gamboa, tagapagsalita ng LRMC, unang sumailalim sa sa overhaul ang 51 generation-1 trains noong 2007, ma-ging ang 44 generation-3 trains noong 2008.
Papabilisin din ang andar ng mga matitirang tren para hindi humaba ang pila sa mga istas- yon ng LRT-1 at bilihan ng ticket.
Naka-schedule na rin aniyang bumili ang Department of Transportation (DOTr) ng 120 bagong bagon para sa LRT-1.
Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosvelt Avenue, Quezon City patungo ng Baclaran Parañaque City at vice versa.