Barangay officials sangkot sa droga, korapsyon ‘wag iboto -- Erap
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga botante sa lungsod na gamitin ang nalalapit na barangay elections upang mawala sa puwesto ang mga opisyal na sangkot sa droga at korapsyon.
Ayon kay Estrada, hindi na dapat na mahalal ang mga barangay official na sangkot sa ilegal na aktibidad at dapat nilang suportahan ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa nakarang kongreso ng League of Municipalities of the Philippines na umaktong host ang lungsod ng Maynila, binanggit ng dating Pangulo na kailangang durugin ang multi-bilyong pisong sindikato ng droga, sa darating na Barangay at SK election sa Mayo 14 ngayong taon.
Ayon sa alkalde, kailangan ng pamahalaan ang suporta ng lahat upang mawala ang salot na ilegal na droga sa bansa.
Nakikiusap din ang alkalde na itakwil ang mga nakaupong opisyal ng barangay na tumatakbo uli na walang ginagawa upang mapabuti ang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.
Nauna rito, umapela ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga botante na wag iboto ang 143 kapitan ng barangay at 146 kagawad na sangkot sa negosyong narkotiko.
Ayon kay Philippne Drug and Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino may listahan ang gobyerno ng mga opisyal na konektado sa mga sindikato ng droga.
- Latest