Kelot tigok sa van

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang 19-anyos na lalaki matapos siyang masalpok ng isang van habang tumatawid sa kalsada sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Ro-bert Madeja, residente ng No.105 Happyland, Tondo, Maynila.

Hawak na ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng van na si Ronald Ramos, 43, residente ng No. 10 JM Templona St., Malabon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ace Gregory Catalan ng MDTEU, naganap  ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa Radial Road 10, panulukan ng Capulong St., ng naturang lugar, habang tumatawid ang biktima ay nabundol ito ng van na may plakang ADK 4546.

Nakatakdng ipag­harap ng reklamong reckless imprudence resulting in homcide ang driver na nabanggit.

Show comments