MANILA, Philippines — Isa-isa nang nagdarati-ngan ang mga domestic at international passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals ma-tapos ang Undas.
Ikinagalak ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na walang nangya-ring aberya sa apat na terminals sa NAIA dahil sa pina-tindi at pinahigpit na security measures sa lahat ng taong papasok sa mga terminal ng paliparan.
Dahil sa maagang koordinasyon sa mga tanggapan nasa NAIA nagkaroon ng magandang resulta lalo’t sa ginawang security measures dito.
Naiwasan din ang mahabang pila sa mga immigration counters maging sa mga airline counters dahil pinakiusapan ni Monreal si Marc Red Marinas, BI port operation chief na dagdagan ang kanilang mga immigration officers para maging maayos ang pagbibigay ng departure at arrival clerance sa mga tra-vellers.