MANILA, Philippines — Muling nagkasa ng dalawang araw na tigil-pasada ang ilang transport group sa susunod na Linggo bilang pagtutol sa public utility vehicle (PUV) modernization program na planong ipatu-pad ng pamahalaan.
Kabilang sa mga makikiisa sa gagawing tigil-pasada ay ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) at transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ka-sama ang iba pang transport at commuters’ groups sa ilalim ng ‘No to Jeepney Phaseout Coalition’ ang dalawang araw na mas malawakan at malakihang nationwide transport strike sa October 16 at 17 ng taong ito.
Sa ginanap na press conference kahapon sa QC, sinabi ni Piston National President Goerge San Ma-teo na ang transport holiday ay layuning hingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang ipinatutupad na PUJ Phaseout program ng DOTr at LTFRB na unti-unting pumapatay sa may mahigit 600,000 PUJ drivers at operators sa buong bansa.
“Duterte has not only rejected our demand to junk the previous Aquino admi-nistration’s PUJ phaseout program, he is now even rushing its implementation to complete the monopoly take-over of our livelihood by his big business cronies and foreign auto industry giants,” dagdag ni San Mateo.
Sinasabing ang PUJ phaseout program ay ipatutupad ng pamahalaan simula sa Enero ng 2018 sa pama-magitan ng Department of Transportation’s Omnibus Franchising Guidelines na nag-uutos sa mga PUJ drivers at operators na bumili ng ‘brand new’ PUJ units na may halagang mahigit P1.6 milyon ang isa at ipapasada sa ilalim ng ‘fleet management’ scheme ng malala-king transport companies, habang ang pasahe dito ay kokolektahin sa pamamagitan ng “Beep card” automated collection system na pagmamay-ari at inooperate ng kompanyang may monopoly control sa MRT at LRT.