MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang actor na si Richard Gutierrez ng falsification of public documents dahil sa pagsusumite ng pekeng Annual Income Tax Return para sa taxable year 2012.
Anim na counts ang kinakaharap ng actor kaugnay ng naturang kaso dahil sa pagsusumite ng pinekeng Quarterly Value-Added Tax Returns para sa 2nd, 3rd and 4th quarter ng taxable year 2012 sa dalawang okasyon na paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code.
Si Gutierrez ay Presidente ng RGUTZ Production, Inc., isang domestic corporation na naka rehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) na matatagpuan sa No. 53-C Annapolis Street, San Juan, Metro Manila na may kinalaman sa negosyo sa production, processing at marketing ng telemovies, telesine, movies, recordings, television shows at iba pang uri ng entertainments, kabilang na ang mga events, sports, promotion ng talents, movies, television at live shows para sa local at international consumption.
Noong April 21, 2017, kinasuhan na ng BIR si Gutierrez sa DOJ dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na may kabuuang P38.57 milyon para sa taxable year 2012 ng RGutz Productions Inc.
Noong July 18, 2017 nagsumite si Gutierrez sa DOJ ng Counter-Affidavit na may kinalaman sa kanyang kaso sa hindi pagbabayad ng buwis pero ang mga dokumento ay napatunayang pineke lamang para sa Quarterly Value-Added Tax Returns for 2nd, 3rd at 4th quarter for taxable year 2012 at Annual Income Tax Return para sa taxable year 2012.