Environmentalist ikinadena ang mga sarili
MANILA, Philippines - Itinali ng kadena ng mga environmentalist na pawang miyembro ng Greenpeace international ang kanilang mga sarili sa gate ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) main office sa Visayas Avenue sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Suot ang kulay orange na damit pang itaas at pantalon na parang mga nakasuot ng damit pang-preso ay nakaupo sila sa gate ng DENR habang naka-kadena ay naglagay pa ang mga kasamahan ng mga ito ng plakard sa gate ng ahensiya ng “not open for business”
Anila ang hakbang ay bilang pagkondena umano ng kanilang grupo sa ginawang pagbasura ng Commission on Appointments (CA) sa kumpirmasyon ni Gina Lopez bilang Kalihim ng DENR.
Binigyang diin ni Yeb Saño, Executive Director ng Greenpeace Southeast Asia na ang kanilang hakbang ay pagpapakita lamang nila nang pagtutol sa patuloy na pagkontrol ng malalaking korporasyon sa gobyerno ng Pilipinas para itulak ang kanilang interes.
Giit ni Saño, hindi sila aalis sa kanilang mga kinalalagyan hanggang hindi natutugunan ang kanilang mga hiling, tulad na lamang nang re-appointment kay Lopez at ilabas ng CA ang listahan ng kanilang naging botohan.
Binigyan din ni Amalie Obusan, Country Director ng Greenpeace Philippines, tanging si Lopez lamang ang alam nilang may malasakit na pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran sa ating bansa.
Sinuportahan naman ng mga kawani ng DENR ang protesta ng naturang grupo.
- Latest