MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang umano’y anomalya sa pagku-ha ng drivers license sa Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay LCSP foun-ding President Ariel Inton, nagsimula ang anomalya sa isang medical clinic katabi ng tanggapan ng LTO at LTFRB sa may Magalang St. Brgy. Pinyahan sa Quezon City na ginagamit na front sa sabwatan ng mga fixers at ilang tiwaling tauhan ng LTO sa pagkuha ng lisensiya.
Anya, personal niyang nasaksihan ang anomalya nang magkunwaring kukuha ng drivers license.
Isa anyang lalaki sa medical clinic ang nagbibigay ng reviewer para sa exam ng mga sasalang na aplikante ng non-prof at prof drivers license.
Ang reviewer ay mabibili anya sa halagang P100.00 kada reviewer at kung ang medical clinic naman ang magiging daan sa pagkuha ng drivers license ay magbabayad ang bawat aplikante ng P6,000 para sa non appearance application.
Umaabot naman sa P200 ang halaga ng medical certificate na requirement sa pagkuha ng lisensiya.
Sinabi ni Inton na bu-nga ng modus operandi ng medical clinic sa nabanggit na lugar ay maraming mga driver ang nakalulusot at nakakakuha ng lisensiya bas- tat may pambayad dito dahil sa kasabwat na taga LTO.
Umaabot naman anya ng P10,000 ang sinisingil ng Medical Clinic sa mga dayuhang nais na magkaroon ng drivers license.
Binigyang diin ni Inton na kung patuloy na ganito ang sistema sa kada opisina ng LTO, talagang dadami nang dadami ang bilang ng mga driver na mangmang sa kaalaman sa pagmamaneho na nagdudulot kalimitan ng aksidente na minsan ay may nagbubuwis pa ng buhay sa publiko.