^

Metro

Lider ng ‘Culi carnapping group’, 3 galamay timbog

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagwakas na rin ang maliligayang araw ng isang carnapping syndicate ma-tapos maaresto ang lider at tatlong miyembro nito sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police ang suspect na si Catherson Culi, 40, lider ng  ‘‘Culi carnapping group’’  at mga mi-yembro nitong sina Freddie Delizo, 41; Jeany Mendiola, 29 at Arnulfo Cuyo, 49.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, na alas-12:15 kahapon ng madaling araw ng madakip ng mga kagawad ng  Anti-Carnapping Unit ng Caloocan City Police ang naturang grupo sa EDSA, malapit sa Monumento Cricle ng naturang siyudad.

Matapos ang  halos isang buwang surveillance nakumpirma ang operasyon ng grupo at kahapon nga ay namataan ang mga ito sa nabanggit na lugar kung saan sila nadakip.

Nabatid na ang lider na si Culi ay nadakip noong naka-raang taon dahil sa 41 kaso ng estafa, subalit naglagak ito ng piyansa para sa pansaman-talang paglaya nito.

Ang nasabing mga suspect ay miyembro ng isang kilabot na sindikato ng karnaping na nagsasagawa ng iligal na operasyon sa ilang lugar ng CAMANAVA area.

CHITO BERSALUNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with