^

Metro

‘Vigilantes’ sumalakay: 2 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagsalakay ng mga hinihinalang grupo ng ‘vigilante’ makaraang dalawang lalaki ang panibagong napaslang sa magkahiwalay na insidente sa Navotas at Caloocan City mula kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas- 12:30 ng madaling araw nang mapaslang sa may kanto ng Bisugo at Alumahan Street sa Phase 1B Kaunlaran Village ang 32-anyos na si Jerold Legalig, alyas Negro, residente ng Bisugo Street, Phase 1B, Brgy. North Bay Boulevard.

Nabatid na nakaupo sa isang pedicab ang biktima nang lapitan siya ng isang lalaki at biglang pagbabarilin sa ulo.  Mabilis na tumakas ang gunman na umangkas sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki.

Nauna dito dakong alas-8:40 kamakalawa ng gabi, napaslang naman sa may Phase 5A Package 3 Block 2 Lot 11 Brgy. 176 Bagong Silang ang 34-anyos na si Mark Anthony Buenaflor, residente ng naturang lugar.

Nakaupo sa isang nakaparadang tricycle ang biktima nang lapitan ng dalawang lalaki at paulanan ng bala.  Agad na tumakas ang mga salarin tungo sa may Langit Road matapos ang pamamaril.

 

VIGILANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with