^

Metro

Mababang crime rate target ng MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Target ng Manila Police District ngayong taon ang mas mababang crime rate kung saan mas paiigtingin pa ang kampanya laban  sa iba’t ibang krimen.

Sa ginanap na ika-116 anibersaryo ng MPD, sinabi ni  MPD Director Chief Supt. Joel Coronel na mas pagbubutihin pa niya kasama ang buong puwersa ng  MPD na mabigyan ng sapat na se­­guridad ang Manilenyo ga­yundin ang mga turista  na nasa lungsod.

Ayon kay Coronel, mula sa  6,784 crime index noong 2015 bumaba ito sa 4,167 noong 2016 na indikasyon na puspusan ang ginagawang trabaho ng kanyang 4,652 tauhan.

Kabilang sa bumaba ng 38.58 percent ay armed robbery at hold-up, burglary, snatching at theft kung saan madalas itong nangyayari sa Divisoria, Binondo, Quiapo, Sta. Cruz, at University belt.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Coronel kay Manila Mayor Joseph Es­trada sa suportang ibinibigay nito sa MPD.

Samantala, binigyan din ng parangal sa ginanap na MPD anniversary sina MPD-Station 11 chief, Supt,  Amante Daro bilang Best Station Commander of the Year; MPD-Station 3 bilang  Best Station of the Year sa pamumuno ni Supt. Santiago Pascual  at  Sr. Inp. Rommel Anicete bilang Best Police Commissioned Officer of the year. 

JOEL CORONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with